Showbiz News

Makisaya kasama sina Miguel, Bianca at Renz sa GMANetwork.com Live Chat!

By AL KENDRICK NOGUERA



Mga Kapuso, here’s your chance na makausap ang inyong favorite Niño stars na sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali at Renz Valerio! Bibigyan kayo ng pagkakataon ng GMANetwork.com na maka-bonding sila online through the live chat tomorrow, Thursday, July 10, from 5:00 p.m. to 7:00 p.m. (Philippine time).
 
Nagkasama-sama na sa isang show sina Miguel, Bianca at Renz last year. Ito ay sa Mga Basang Sisiw at magkapatid ang roles nina Bianca at Renz dito. Samantala, ang character naman ni Miguel ang naging kaibigan ni Bianca.
 
Ang Niño ang dahilan ng reunion ng tatlong teen stars. Pero ‘di tulad sa Mga Basang Sisiw, nag-switch naman ngayon ang role na magkapatid dahil sina Miguel at Renz na ang iisa ang magulang ngayon. Si Bianca naman ang malapit na kaibigan ng dalawa.
 
Sa istorya, si Niño (Miguel) ang panganay na anak ni Hannah (Katrina Halili) na nawala dahil bitbit siya ng kanyang ama nang patayin ito. Isang milagro nga ang nangyari dahil nabuhay ang bata at kinupkop siya nina Leny (Angelu de Leon) at David (Neil Ryan Sese). Kahit na magkakilala sina Leny at Hannah, wala silang kaalam-alam na ang nawawalang anak ni Hannah ay si Niño. Pati ang kapatid ni Niño na si Rafael (Renz) ay inakalang patay na ang kapatid.
 
Noong bata pa si Niño, iniligtas niya ang buhay ni Gracie (Bianca). Sa pagligtas niya sa kaibigan ay nabagok ang kanyang ulo kaya’t ngayon ay hindi tama sa edad ang pag-iisip ni Niño. Nang lumaki na sila, tumanaw ng utang na loob si Gracie sa kaibigan at ipinangako sa sarili na hinding-hindi niya iiwan si Niño at hindi siya kailanman magagalit dito.
 
Kailang kaya malalaman ni Hannah na si Niño ang nawawala niyang anak? Kapag nangyari iyon, matatanggap ba siya ni Rafael bilang kapatid?
 
Bago ninyo malaman ang sagot sa mga  tanong na ‘yan, makipag-bonding muna sa cast ng Niño na sina Miguel, Bianca at Renz sa GMANetwork.com Live Chat. Just log on to www.gmanetwork.com/livechat to be part of this exclusive event.