What's Hot

Ken Chan, Shaira Diaz, Kelvin Miranda, inilahad ang kanilang Holy Week plans

By Kristine Kang
Published February 23, 2024 12:15 PM PHT
Updated February 26, 2024 8:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

ken chan shaira diaz kelvin miranda


Alamin ang mga tradisyon at plano ng ilang Kapuso artists ngayong Holy Week.

Nakahanda na ang mga plano ng ating mga Kapuso stars para sa paparating na Semana Santa. Hindi lang bakasyon o pagpapahinga ang kanilang gagawin, kung hindi pati rin pagninilay at pag-aayuno.

Abot-Kamay na Pangarap star Ken Chan ay sabik na gawin ang kanilang tradisyon tuwing Holy Week. Iyon ay makasama ang kaniyang pamilya manood ng mga pelikulang tungkol sa buhay ni Hesus at gumawa ng kakanin.

"Isa sa mga paborito ko ginataang bilo-bilo. Hindi mawawala yan 'pag Holy Week, sinukmani or yung kakanin. Ang sarap lang sa pakiramdam na simula noong bata ako hanggang ngayon ginagawa pa namin yung magluto because hindi tayo puwede kumain ng mga meat," sabi ni Ken Chan.

Para naman kay Shaira Diaz, nag-i-Stations of the Cross ang kaniyang pamilya, lalo na tuwing Huwebes Santo. Kuwento rin ng Kapuso aktres, naging tradisyon na nila ito simula pa noong kasama pa nila ang kaniyang lola.

"Sinimulan ito ng lola ko and then yung wala na lola ko syempre gusto namin ipagpatuloy kung ano nakasanayan namin yung nandyan pa siya," sabi ni Shaira.

Visita Iglesia naman ang plano ng Sparkle stars Althea Ablan at Princess Aliyah ngayong Semana Santa.

Kuwento ni Princess Aliyah, "Sa tradition po kasi namin, everytime sasama ako sa lolo at lola ko and bibisita kami ng ibat ibang church from different places. Kaya na-e-excite ako kasi ilang years na naming hindi nagagawa since pandemic."

Plano rin ng Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Kelvin Miranda ang mag-road trip kasama ang kaniyang pamilya ngayong Holy Week. Maliban sa magbakasyon, ginagawa rin ni Kelvin ang mga tradisyon katulad ng mag-fasting at magnilay tuwing Semana Santa.

"Respeto sa tradisyon, yun [yung] nag-fa-fasting, nagnilay-nilay kami kapag Holy week talaga. Pero minsan kapag ka nagagawa naman namin yung mga gusto namin is-ako nabago rin yung tradisyon, bumabyahe kami minsan nagmomotor sa kung saan with ano naman cautions. Ineenjoy lang namin yung feeling ng payapa ang paligid at syempre habang nangyayari iyon is nagdadarasal pa naman kami," sabi ni Kelvin.

Samantala, tingnan ang naging Holy Week destinations ng mga arista noong 2023 rito: