Showbiz News

Dasuri Choi, nilinaw na hindi siya naging third party kina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara

By Jimboy Napoles

Hindi napigilang maging emosyonal ng South Korean dancer at host na si Dasuri Choi sa kanyang latest YouTube vlog kung saan nag-react siya sa mga masasakit na komento tungkol sa kanya ng ilang netizens.

Sa nasabing vlog, inamin ni Dasuri na nasasaktan siya sa mga mensahe ng mga bashers na nagsasabing umuwi na lamang siya sa Korea.

Aniya, “So, basically ang pinakaayoko na marinig or ayoko a makitang comment is, 'Uwi ka sa Korea,' because it's really painful.

“Because when my life was really deep down, I went here and Filipinos you guys help me to grow and you guys really help me to be happy. I didn't know Filipino culture or language, [but] I tried my best to learn.

“At the end of the day, you guys will say, 'Balik ka na lang sa Korea,' 'Umuwi ka na lang,' 'Wala kang kuwenta,' masakit talaga sa akin.”

Pero biro naman ni Dasuri, “At the end of the day, ako ang magde-decide kung uuwi ako o hindi so shut up.”

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: 10 coolest OOTDs of Dasuri Choi

Bukod dito, pinabulaanan din ni Dasuri ang ilang komento ng bashers na tinatawag siyang “homewrecker.”

Matatandaan na nadawit ang pangalan ni Dasuri sa hiwalayan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Nagsimula ito nang makitang nagiging super close 'di umano sina Dasuri at Mavy sa set ng noontime show na Tahanang Pinakamasaya kung saan sila ay kapwa hosts. Pero paglilinaw ni Dasuri, hindi siya kailan man magiging third party.

“I think they were talking about the issue late last year. So, I'm officially saying, I'm not the third party. I will never try to be a third party in my life. Because I didn't grow up like that. I was raised by my parents na super super super bait. Wala talagang mangyayari sa akin na maging third party,” ani Dasuri.

Pinaliwanag din ng dancer at host ang totoong kuwento sa nag-viral na larawan nila ni Mavy kasama ang co-hosts nila na sina Cassy Legaspi at Michael Sager sa isang restaurant na binigyang kulay ng netizens at tinawag na “double date.”

Paglilinaw niya, “But for the issue naman, I just want to make it clear because I never had a chance to talk about it. That time kasi 'yung restaurant na 'yan, pumasok kami, someone shot for us because that was the soft opening ng restaurant ng Tahanang Pinakamasaya Executive Producer so we went there, not only the four of us, Cassy [Legaspi], Mavy [Legaspi], Michael [Sager], but including Kuya Pao[lo] [Contis], Winwyn [Marquez], Arra [San Agustin], Yasser [Marta], lahat ng hosts. Hindi ko alam bakit 'yun lang 'yung [ipinakita] ng account owner na 'yan.

“We were together the four of us and then nandito 'yung iba because we were late. Hindi ko alam na magiging big talaga 'yung day na 'yun so I didn't react at first. Pero naging big pala 'yung issue na 'yun kasi nga ako raw 'yung third party, naka-double date pa raw ako.”

Dagdag pa ni Dasuri, “Why would I do that? Close kaming lahat e. Parang you will never think na, 'Hala baka naman may chance na ganyan ganyan,' it's nothing. It's nothing talaga kaya wala akong paki basta I'm doing right and I'm not…parang nahihiya sa parents ko sa family ko that's it.”

Aminado naman si Dasuri na hindi maiiwasan ang bashing pero gusto niya lamang ipakita sa mga tao na nasasaktan din siya sa mga hindi magagandang komento na kanyang natatanggap.

“Hindi naman maiiwasan 'yung bashing as a public figure so pinapakita ko lang sa inyo na minsan nasasaktan din ako. We are also humans siyempre meron din akong family, kawawa naman 'yung family ko 'di ba,” ani Dasuri.