Showbiz News

Blood, sweat & tears: Ang puhunan ni Gabby Eigenmann sa showbiz

By AL KENDRICK NOGUERA
 
“Hindi ko naman pinangarap na marating ito. I never really imagined myself na maging star ng isang show or maging bida sa isang proyekto,” pahayag ni Gabby Eigenmann.
 
Ang Dading ang first title role ni Gabby mula nang pumasok siya sa showbiz. Kadalasan kasi ay kontrabida or father roles ang ginagampanan noon ng batikang aktor.
 
Pero ayon kay Gabby, hindi naman daw niya inexpect na bibida siya sa isang show. “Hindi naman ako nag-dream to reach the stars. Pero I'm so happy. I'm honestly overwhelmed,” saad ng bida ng Dading.
 
Kahit kailan daw ay hindi siya naging mapili sa roles na ibinibigay sa kanya. Aniya, “Ang sa akin lang, pinasok ko 'tong industriya ng showbiz as a profession. Kung ano man ang proyekto or project na ibigay sa 'kin, I just do the best that I can.”
 
“Blood, sweat, and tears! Kung ano man ang narating ko or mararating ko pa, dahil 'yon sa passion ko sa trabaho ko. Hardwork talaga,” bahagi ni Gabby.
 
Hanggang ngayon daw ay hindi pa nagsi-sink in kay Gabby na bida siya sa Dading. Para kasi sa kanya, hindi iisang tao lang ang nagpapaganda ng show. “Hindi ganoon eh. Ayokong isipin na [ako lang ‘yung bida]. We're here as a team, we're here as the whole cast of Dading,” anang aktor.
 
Dagdag pa niya, “This is another project na I'm proud to say na pinaghirapan po talaga namin. Not just me but the whole cast, kung wala sila, wala namang Dading. Kung ako lang 'yan, hindi naman tatakbo 'yan eh. From the staff to the crew and of course my co-actors.”