Showbiz News

“Kailangan ko ng sumaya ulit sa katawan ko” – Lauren Young on losing weight

By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Aminado si Lauren Young na nag-gain siya ng weight. Para sa lahat ng artista, ito ang kanilang pinaka-iniiwasan kaya naman ginagawan na ito ng paraan ng dalaga.
 
Kuwento ni Lauren Young, nagsimula na umano siya sa pagda-diet matapos niyang maramdaman na hindi na siya masaya sa kanyang pangangatawan. Kaya naman ginagawan na niya ng paraan ito bago pa man siya magsimula muli sa kanyang mga showbiz commitments.
 
Aniya, “I have to take care of myself, it's part of the business.”
 
Nagbigay rin ng dahilan kung bakit nag-gain ng weight ang aktres.
 
“Kasi hindi ako nagtatrabaho, so alam ko wala akong commitments, wala akong responsibilities. I was stuck in Taft almost everyday, and na-stress ako sa school with finals and all of that,” pahayag ni Lauren.
 
Dahil may napapabalitang bagong show si Lauren, naging mas focused ang dalaga sa pagbabawas umano ng kanyang timbang.
 
“Kailangan ko ng sumaya ulit sa katawan ko,” saad ni Lauren.