Showbiz News

Kapatid ni Ricardo Cepeda, humingi ng donasyon sa tulong ng GoFundMe

By Kristian Eric Javier

Humingi ng tulong pinansyal ang kapatid ng aktor na si Ricardo Cepeda na si Robert Go sa netizens sa tulong ng fundraising platform na GoFundMe. Layunin nilang makalikom ng USD 30,000 o P1,680,825. Sa ngayon, ang mga donasyon na nakuha nila ay umabot na sa USD6,813 o PHP381,715.36.

Inaresto sa kasong syndicated estafa si Ricardo noong October 7, 2023 sa Caloocan City. Nag-eendorso noon ang aktor para sa isang sales company na nag-alok ng isang investment scheme na kikita umano ng malaki sa maikling panahon.

Ngunit nang tumalbog na ang mga tseke ng kumpanya ay nagsampa na ang investors ng kasog estafa sa lahat ng mga taong inaakala nilang sangkot dito, kabilang na si Ricardo.

Nanindigan naman si Robert sa GoFundMe page description na ang kaniyang kapatid ay “wrongfully accused” at sinabing wala itong kinalaman sa nasabing investment scheme.

“Ricardo's role as an endorser, limited to promoting select products, has unfairly positioned him as the face associated with the company's wrongdoing. Despite his lack of reason to hide, authorities detained him, adding an undeserved layer of difficulty to his situation,” sabi niya.

Dagdag pa ni Robert, hindi lang emotional toll sa kanilang pamilya ang idinulot ng pagkakakulong ni Ricardo sa kanilang pamilya, kundi maging “significant financial strain.” Sinabi rin niyang mayroon mang naipon noon ang aktor mula sa kanyang mga projects, dahil hindi na nakakapgtrabaho at wala nang kinikita, ay naubos din ito kinalaunan.

MAS KILALANIN PA SI RICARDO CEPEDA SA GALLERY NA ITO:

Dagdag pa niya, “As he remains in custody in the Philippines until now, with no definite sign that he will be given his day in court, the mounting legal fees further exacerbate his financial challenges and driving him deeper in debt.”

Idinetalye rin niya kung paano nagsisikap ngayon ang asawa ni Ricardo na si Marina Benipayo para panatilihing maayos ang pamilya sa kabila ng sariling mga pagsubok.

“While the truth stands firmly on Ric's side, we await the court hearing that will allow him to prove his innocence. With his means of income on indefinite pause, we've initiated this GoFundMe campaign in the hope that others may assist during this trying time,” sabi niya.

Ibinahagi ni Robert ang kaniyang pag-asa na mababawi ang alegasyon laban kay Ricardo at na sana ay mapalaya na ang aktor. Nagbigay din siya ng maiksing mensahe sa mga netizen, at sinabi kung papaano nila pinapahalagahan ng kaniyang pamilya ang oras, dasal, at anumang kontribusyon na mabibigay nila.

“Your support, whether financial or through kind words and sharing, will help us spread the word,” ani ng kapatid ni Ricardo.