Showbiz News

'90s child and teen stars noon, certified mommies na ngayon

By CHERRY SUN

Ilang Kapuso actresses ang ating napanood na nag-bloom from child or teen stars to womanhood.

Alamin natin sa report ng Unang Hirit kung sino-sino nga ba ang '90s stars noon na certified mommies na ngayon.



Camille Prats
Kinagiliwan si Camille Prats sa kanyang pagganap bilang bida sa Sarah, Ang Munting Prinsesa. Ngayon ay ganap na aktres at host na si Camille at mapapanood sa daily talk show on GMA News TV na Mars. Huli rin natin siyang napanood bilang Sophia sa GMA Afternoon drama na The Borrowed Wife.

Ngayon ay isang proud mom si Camille sa kanyang six-year-old unico hijo na si Nathan.



Jolina Magdangal
Sinong makakalimot sa Jolens fever noong '90s. Definitely an icon, maraming pinauso si Jolina Magdangal na kanta, fashion trends at hair style.

Today, busy naman sa pag-update ng kanyang social media accounts si Jolina tungkol sa five-month-old son niya na si Pele. Para masundan ang happenings with her baby boy, gumagamit ang singer-actress ng hashtag na #peleserye.



Angelu de Leon
Ang '90s loveteam na tunay na nagpakilig sa atin ay ang tambalang Peachy at Wacks na syang nagpasikat kay Angelu de Leon. Ngayon ay mapapanood gabi-gabi si Angelu sa GMA Telebabad series na Niño.

Angelu is now a mother of three. At ang parenting daw na kanyang kinalakihan ay mas nauunawan niya ngayon at pina-practice sa kanyang mga anak.

“Kasi 'yung '90s to 2000, medyo nakakasakay pa ‘yung parents sa mga anak. Kasi like with me and my kids, parang mas iniintindi ko, bilang nanay mas iniintindi ko sila. Dati kasi baliktad, iniintindi ko ‘yung nanay ko,” saad nito.



Sunshine Dizon
Pumasok sa showbiz si Sunshine Dizon at the age of three pero mas nakilala siya sa kanyang pagganap as Karen sa hit GMA drama series na Anna Karenina.

Ngayon, happily married si Sunshine kay Timothy Tan, at mayroon na silang dalawang cute kids. Ang karanasan daw niya as a mother ang nakakatulong sa kanya sa pagganap ngayon bilang isang ina.

“Siguro dahil mother na rin talaga ako in real life, mas may truth to the experience eh. That’s why nag-iiba na rin siguro ‘yung [pag-em]body nung characters,” kwento niya.