
Nag-react naman ang netizens sa mga binitawang sagot nina Jessica Villarubin at Renz Verano sa mga pumupuna sa kanila bilang inampalan o judge sa Tanghalan ng Kampeon.
Ang Tanghalan ng Kampeon ay napapanood sa TiktoClock.
PHOTO SOURCE: TiktoClock/ YouTube
Isa sa mga comments kay Jessica ay "Di nga marunong si Jessica, 'di maganda mag-comment." Ayon naman sa isang sumusubaybay sa Tanghalan ng Kampeon, "Hindi karapatdapat si Jessica, nasa gilid 'yan kasi hindi sikat."
Nakatanggap rin ng hindi negative comment ang kilalang performer sa mundo ng OPM na si Renz Verano.
Saad sa comment, "Si Renz lang ang kilala ko, matanda pa. Dapat 'yung mga champion sa kantahan ang kunin n'yong judge." Ipinakita rin ang comment na "Diyos ko day! Renz Verano? Hindi nga marunong mag-appreciate ng talent 'yan!"
Pagkatapos mag-react ng dalawang inampalan sa kanilang natanggap na comments ilang Tanghalan ng Kampeon viewers naman ang nagiwan ng kanilang komento at opinyon.
Saad ng isang netizen, "I find Jessica as spice addition sa tiktoclock. Galing Nya mag bitaw ng comments more on technical sya. Yung prangka talaga sya which is nice. Supporting tanghalan ng kampeon"
Dumipensa naman kina Jessica at Renz ang isang netizen, "Jessica and Sir Renz... they are a good judge."
PHOTO SOURCE: TiktoClock/ YouTube
Paliwanag naman ng isa sa mga dumipensa sa ating inampalan sa Tanghalan ng Kampeon ay ipinagkatiwala ang role na ito kila Jessica at Renz.
"Marunong naman si jessica. Parang ilang beses narin naman sya nakuha mag judge. Though 1st time nya siguro sa TV, pero atleast may experienced na sya how to judge.. Ilam sa nasubaybayan ko is sa Pangasinan nung kumanta sya with Renz yung partner nya sa The Clash and yung isa somewhere in Cebu. And siguro meron pang iba. Kaya tiwala rin talaga mga boss ng GMA sa kanya."
Balikan ang episode na ito kung saan nag-react ang Tanghalan ng Kampeon judges.
Patuloy na subaybayan sina Renz Verano at Jessica Villarubin sa kanilang role bilang judge o inampalan ng Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa GMA Network. Makakasama rin nila si Daryl Ong bilang guest judge sa Tanghalan ng Kampeon.
Mapapanood din ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.