Showbiz News

Jaclyn Jose cause of death, heart attack ayon kay Andi Eigenmann

By EJ Chua

Nagsalita na si Andi Eigenmann tungkol sa pagpanaw ng aktres at kanyang ina na si Jaclyn Jose.

Isang press conference ang isinagawa nito lamang Lunes, March 4, 2024, ilang oras matapos kumalat ang malungkot na balita tungkol sa nangyari kay Jaclyn.

Sa naturang presscon, nagsalita si Andi habang nasa tabi niya ang kanyang pinsan at aktor na si Gabby Eigenmann.

Sa naging pahayag ni Andi, binanggit niyang March 2, 2024 binawian ng buhay ang kanyang ina.

Sabi niya, “It is with great sadness that I announce the untimely passing of my nanay, Mary Jane Guck, better known as Jaclyn Jose, at the age of 60 on the morning of March 2nd, 2024 due to a myocardial infarction or a heart attack.”

Kasunod nito, nagpaabot ng pasasalamat si Andi sa lahat ng nagpapaabot ng pakikiramay sa kanilang buong pamilya.

Pahayag niya, “We'd like to thank everyone who has since extended prayers and condolences to us as our family is trying to come to terms with this unfortunate incident.”

Hiling naman ni Andi, “Please provide us the respect and privacy to grieve and we hope this put all speculations to rest.”

Sa presscon, nagbigay din ng mensahe si Andi para sa kanyang ina.

Sabi niya, “Her undeniable legacy will definitely forever live on through her work, through her children, grandchildren, and the many lives she's touched… her life herself was her greatest obra maestra.- Thank you.”

Si Jaclyn ay kilala bilang isa sa mga beteranong aktres sa Philippine Entertainment industry.

Dahil dito, ilang celebrities ang nagluluksa sa kanyang pagpanaw.

Related Gallery: Celebrities mourn the passing of Jaclyn Jose