Showbiz News

Secret Affair: Ang pagbabalik ni Santi | Weekly Recap

By Kristine Kang

Noong nakaraang linggo, nasaksihan natin ang pagpapakita ng dedikasyon ni Santi sa kaniyang paghahanda para sa kolehiyo. Dahil sa matindi nilang hangarin na maging estudyante ni Hector ang binata, tinulungan din ni Helen si Santi sa pagpapahusay ng kaniyang pagtugtog sa piano.

Ngunit sa mismong araw ng kaniyang auditions, biglang nagdilim ang buhay ni Santi dahil sa pagpanaw ng kanyang ina. Labis ang lungkot at pagsisi sa sarili, binitawan ni Santi ang kaniyang pangarap na maging isang musikero. Ikinadismaya rin ni Hector ang pangyayari kaya naman hindi rin niya kinulit pa si Santi para bumalik.

Gayunpaman, para kay Helen, nais pa rin niyang mapakinggan ang pagtugtog ni Santi sa piano. Kaya ipinadala ni Helen ang kaniyang mensahe o libro na maaaring maging inspirasyon ulit kay Santi na maging isang musikero.

Pagkabasa ni Santi ang libro, nabuhay ulit ang pag-ibig niya kay Helen kaya naman binisita niya siya at nagtapat ng kaniyang damdamin.

Dahil alam ni Helen na imoral ang pagtinginan nila para sa isa'ti isa, tinulak niya palayo si Santi at pinilit iwasang balikan ang nangyari ng gabing iyon.

Ilang araw nakalipas, nabalitaan ni Helen na nakulong si Santi dahil sa kaniyang pagsugod sa hindi marunong na piyanista.

Iniisip na pagkakataon nila ulit makita si Santi, tinulungan nina Helen at Hector na makalaya ang binata, kapalit ang kundisyong subukan niya ulit makapasok sa kolehiyo.

Dahil sa sitwasyon ni Santi ngayon, nagdesisyon si Hector na patirahin muna si Santi sa kanilang bahay.

Ngayon at nasa iisang bubong sila, unti-unting hindi maitatago ni Helen ang kaniyang damdamin para kay Santi.

Ano kaya ang mangyayari ngayon sa relasyon nina Helen at Santi?

Abangan ang kapana-panabik pang mga eksena sa Secret Affair, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 p.m. sa GMA.

RELATED CONTENT: IN PHOTOS: Meet 'Secret Affair' star Kim Hee-ae