Showbiz News

Rocco at Lovi, sa kasal na ba ang tuloy?

By CHERRY SUN
 


Mahigit isang taon bago naging officially in a relationship sina Rocco Nacino at Lovi Poe.

Totoo kaya ang kasabihang pagkahaba-haba man ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy?

“May mga panahon na napapag-isip [ako], 27 na rin po ako. I mean close to marrying age at hindi maiiwasan na isipin ‘yun,” kwento ni Rocco sa Lolit So-list segment ng Startalk.

Ngunit ayaw raw niyang pangunahan ang kasisimula lamang na relationship niya with the actress.

Paliwanag niya, “I have to be practical and think properly at i-balance lahat. So nasa panahon lang of knowing when I’m ready bago ko isipin ‘yun.”

Magtatatlong buwan pa lang na magkasintahan sina Rocco at Lovi. Lakas-loob na tinanong daw niya ito noong sila ay namamasyal sa famous Eiffel Tower sa Paris.

“Pinipilit ko nga po na gawing first leg ng trip namin ang Paris eh, para kung sakaling sagutin niya po ako, couple na po kami for the whole trip,” inamin ni Rocco.

“But then ‘yun nga, dahil sa schedule, dahil sa flights, kailangan sa dulo na ang Paris. But we were sweet and inseparable during the first leg palang. Sabi daw niya nakaramdam na rin siya na magtatanong na rin ako,” dagdag niya.

Nabigla ngunit kinilig daw si Rocco nang aminin ni Lovi ang kanilang relasyon last week on national TV.

Aniya, “Napapatanong ako sa sarili ko, ‘Ano bang meron ako eh I’m just a normal guy.’ Kinilig po ako dun lalo na na hindi po namin napag-usapan.”

Noong una ay nais daw nilang hindi isapubliko ang kanilang relationship.

“Nirerespeto ko rin kung one of us is not comfortable talking about our relationship. Siguro nung time na ‘yun na nakausap niyo si Lovi, siguro ‘yung na rin po ‘yung time, oras na po na malaman ng mga tao. Kasi sabi na rin namin na if it comes out, it comes out,” kwento ni Rocco kay Manay Lolit.

Ngayon ay mas komportable na ang couple na pag-usapan ang kanilang relationship.

Ang mensahe ni Rocco sa kanyang kasintahan: “Lovi, well now they know and I’m really happy na we’re in this relationship. I look forward to more laughs with you, more laughter, more good times.”

“It’s nice God is in the center of our relationship, and we always support each other. And alam mo ‘yan, I love you,” dagdag niya.