GMA Logo Kelvin Miranda
What's Hot

Kelvin Miranda, ramdam ang "peace" kapag nagmomotor

By Kristian Eric Javier
Published March 9, 2024 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Sibol Women dethrone Indonesia to reach Mobile Legends finals
Tight security at ports, terminals in W. Visayas for the holidays
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda


Isa sa mga pinakabagong celebrity na nahumaling sa pagmomotor ay si Kelvin Miranda.

Marami na ang nahuhumaling sa pagmomotor, kabilang na ang ilang celebrities at kilalang personalities. Ilan sa kanila ay naging hobby na ang pagmo-motor lalo na ang pag-ride papunta sa ilang malalapit na probinsya kasama ang kanilang mga kaibigan o grupo ng mga kapwa nagmo-motor. Isa na riyan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Kelvin Miranda.

Sa Updated with Nelson Canlas, nagkuwento si Kelvin na nahihilig na rin siya sa pagmo-motor at mas pinipili niya ito kaysa gumamit ng kotse. Iba umano ang feeling ng nakasakay sa motor at sinasalubong ang hangin.

“Yung feeling na mabilis. Hindi naman sobrang mabilis pero adrenaline yung feeling na. Ito yung freedom. Dito ko nararamdaman yung pagiging tahimik at payapa,” sabi niya.

Ngunit nilinaw naman ng aktor na wala siyang iniisip kapag nagmomotor dahil importante ang presence of mind. Dagdag pa niya, ine-enjoy lang niya ang galaw ng motor para tantiya kung saan siya papunta at ano ang dapat niyang gawin.

“Kapag marami ka kasing iniisip sa pagmumotor, pwede ka madisgrasya eh. Na-experience ko na 'yun ng ilang beses na kapag kung ano-anong iniisip ko, nadidisgrasya ako talaga,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktor, “Simula nu'n na-realize ko na dapat talaga kahit na gaano ka na katagal nagmumotor, kailangan talaga yung presence of mind mo. Once na nakahawak ka ng silinyador, dapat doon ka muna.”

TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NAHUMALING NA RIN SA PAGMOMOTORSIKLO SA GALLERY NA ITO: