Showbiz News

Andrea Torres on Mikael Daez: 'Lalaking-lalaki'

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ALLANAH PARAGAS, GMANetwork.com
 
Itinuturing ni Bubble Gang star Andrea Torres na isa sa pinaka-close friends niya sa showbiz ang kanyang former leading man na si Mikael Daez. 
 
Matatandaan na nagkasama ang dalawa sa highly successful kilig serye na With a Smile, kung saan nakasama rin nila ang Asia’s Pop Idol at Sunday All Stars mainstay na si Christian Bautista. 
 
Kuwento ni Andrea sa GMANetwork.com na nami-miss niya ang Kapuso actor dahil madalas silang mag-heart to heart talk. 
 
“Best memories [ko of Mikael Daez] more on yung mga heart to heart talk namin. Hindi nawawala 'yun eh kahit na hindi na kami magkasama sa soap there was a time medyo namahinga muna kami sa soap. 'Pag nagkikita kami laging nandun yung kamustahan,” saad ng dalaga. 
 
Thoughtful din daw ang binata and he shows genuine concern sa mga katrabaho. Dagdag pa ni Andrea masarap kausap si Mikael, dahil magaling daw ito magbigay ng payo.
 
“'Pag may naririnig siya about you, concerned 'yan. Iko-contact ka niya so 'yun nakaka-miss 'yun kasi isa siya sa mga ilang friends ko talaga na super close ko na. Pinagkakatiwalaan ko ng mga ganung bagay, mga secrets ko talaga, mga saloobin ko nasasabi ko, and he gives the best advice.” 
 
Tuwang-tuwa rin ang Kapuso actress sa karakter ni Mikael sa Ismol Family as Bernie, ang best friend ni Jingo Ismol (Ryan Agoncillo) na medyo kaduda-duda ang pagkalalaki. 
 
Ayon sa kanya, nakaka-proud na malaman na ang former co-star niya ay ready to take such a challenging role na malayo sa character niya sa totoong buhay. 
 
“Ay oo malayo kay Mikael [si Bernie] kasi talagang ano 'yan eh lalaking-lalaki. Typical kung ano gusto ng mga lalaki. So nagulat din ako na tinake niya yung challenge pero I am very proud kasi nag-e-explore siya, very adventurous talaga yan eh.

"So at least ang maganda kay Mikael lahat ng trabaho kukunin niya at i-try niya talaga and so far, sabi magaganda daw yung nagagawa niyang episode as bading talaga eh. Nakakatuwa daw,” pagtatapos ni Andrea.