Showbiz News

'Bubble Gang's' secret to success

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Magdadalawang dekada na tayong pinapatawa ng favorite gag show ng lahat, ang Bubble Gang. 
 
Kaya hindi nakapagtataka na it's every comedian’s dream na mapasama sa cast nito to work with the most creative talents in the industry like Michael V and Rufa Mae Quinto. 
 
At isa sa pinakasuwerte na nabigyan na pagkakataon na makasama sa show ay ang Prince of the Dance Floor sa Sunday All Stars na si Sef Cadayona.
 
Kuwento nga nitong si Sef, since napasama siya sa programa naging close raw siya sa isa sa pinakabeteranong mainstay sa gag show na si Boy II Quizon.
 
“I guess one is Dos, [because] si Boy II Quizon kasi actually kapitbahay ko 'yun. We both live in the South so siya yung kumbaga nagiging ice breaker ko din sa mga ibang cast 'pag nahihiya ako ganyan-ganyan siyempre doon na siya for the longest time.”
 
Masarap din daw katrabaho si Antonio Aquitania dahil ibang klase raw ito maglambing sa kanila. 
 
“Siyempre ano si Kuya Tonyo makikita niyo lang siya mapang-bully sa on-cam, eh on-cam lang 'yun. 'Yung mga siko-siko niya is 'yun yung form niya ng lambing sa amin, ibig-sabihin love niya kami, gusto niya kami.” 
 
Now on its 19th year, hindi maikakaila na malaki ang naging impluwensya ng Bubble Gang sa Philippine television at siyempre number one pa rin ito sa kanyang time slot. 
 
Kaya tinanong namin si Sef kung ano ang sikreto ng show that it lasted for many years at paano nito na-maintain ang kanyang followers.
 
Saad niya, “'Cause Bubble Gang we always find 'yung mga pangkaraniwang nangyayari sa buhay natin na nakakatawa. Kami sinusulat po namin yun para mas nakaka-relate 'yung mga tao since sa tunay na buhay siya nangyayari.” 
 
Dagdag pa ng Kapuso actor na sinisiguro ng team behind Bubble Gang na ang mga jokes nila ay hindi offensive at may taste.
 
“We are very careful with our jokes. We do not go beyond being offensive and kahit pa-joke namin ginagawa 'yun may mga natutunan 'yung mga especially mga kids, mga teenagers na kung paano 'yung way of life, paano mo iha-handle 'yung mga ganun sitwasyon. Nilalagyan lang namin ng mga pajoke-joke 'yan pero siyempre pinapakita namin na dapat ganito.”