
Hindi naiwasang maging emosyonal ng ilang hosts ng It's Showtime habang nasa contract signing event sa GMA Network.
Ngayong araw (March 20), isang historic event ang naganap sa Philippine entertainment kung saan opisyal nang pumirma ng kontrata ang ABS-CBN noontime variety show na It's Showtime sa GMA Network.
Dinaluhan ang partnership na ito ng matataas na executives ng GMA at ABS-CBN. Mainit ding sinalubong ng Kapuso Network ang pagdating ng It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Karylle, Amy Perez, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Darren, Ryan Bang, Ion Perez, Jackie Gonzaga, Mc, Lassy, at Cianne Dominguez.
Sa contract signing, hindi na napigilang maluha nina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, at Vhong Navarro nang magbigay na ng mensahe ang ABS-CBN President and CEO na si Carlo L. Katigbak.
Sa kanyang speech, pinasalamatan ni Mr. Katigbak ang mga host at ang pamilyang bumubuo sa It's Showtime.
"Thank you for all you do for us and for never giving up. Just like our opening number, 'Don't stop believing.' We've been given a very special opportunity to work with GMA, let's go the extra mile guys to prove to our partners that we deserve this chance and that we are worthy of the trust that they put in us. Patuloy nating bigyan ng halaga na makapagbigay ng serbisyo sa Madlang People."
“to vice, and our family at showtime, thank you for all you do for us, and for never giving up”
-- miya (@dazzlingvicey) March 20, 2024
love u vice! 💗 #ShowtimeSaGMA #GoodNewsSaShowtime#ViceGanda | #ViceIon | #IonPerez pic.twitter.com/VRWmmrhRvI
Ibinahagi rin ni Mr. Katigbak kung bakit sa tingin niya ay naging matagumpay ang partnerships ng dalawang network. Aniya, ito ay dahil sa magkapareho nitong hangarin na, "To bring the best stories and the best programs to as many Filipinos as possible."
Simula April 6, mapapanood na ang It's Showtime sa GMA, Lunes hanggang Sabado, 12:00 p.m.
Samantala, bukod sa It's Showtime hosts at mga dumalo sa contract signing, halo-halo rin ang naging emosyon ng netizens sa naganap na contract signing na ito ng ABS-CBN at GMA Network para sa It's Showtime. Basahin sa gallery na ito: