
Looking forward si Karylle na makita nang personal ang bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian.
Sa interview ni Cata Tibayan para sa GMA Integrated News, binalikan ni Karylle ang naging turnover nila ng OG 2005 Sang'gres na sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, at Diana Zubiri ng kanilang mga role sa 2016 Sang'gres na sina Glaiza De Castro, Gabbi Garcia, Kylie Padilla, at Sanya Lopez.
"When they had Encantadia before, si Direk Mark Reyes, he had a big reunion in his house, and we had like a turnover also sa mga bagong Sang'gre," sabi ni Karylle.
Ipinarating din ni Karylle ang excitement na maka-bonding ang bagong henerasyon ng mga Sang'gre.
"It will be really good to have a bonding day with them para we can also share with them how much Encantadia is a part of the lives of the people who grew up with us.
"I'm looking forward. I'm sure naman si Direk Mark will set up something," dagdag niya.
Sa 2005 Encantadia, napanood si Karylle bilang Sang'gre Alena, tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig.
Bukod sa makita ang mga bagong Sang'gre, excited na rin si Karylle sa bagong tahanan ng It's Showtime, na mapapanood na simula April 6 sa GMA Network.
BALIKAN ANG NAGANAP NA CONTRACT SIGNING NG IT'S SHOWTIME SA GMA NETWORK SA GALLERY NA ITO: