
Isa sa pinakagustong makatrabaho ni Karylle sa Kapuso Network ay ang mahusay na direktor na si Mark Reyes.
Sa interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Karylle na kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais niyang muling makasama sa isang proyekto si Direk Mark Reyes.
Isa sa pinakamalaking proyekto na ginawa noon ni Karylle sa GMA ay idinirehe ni Direk Mark Reyes, ang iconic telefantasya na Encantadia (2005). Nakatrabaho rin niya ang direktor sa pelikulang Moments of Love (2006) at Mystified (2019), na naging reunion project nila ng mga origihinal na mga Sang'gre na sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, at Diana Zubiri.
"For me kasi the biggest Kapuso star is Direk Mark Reyes. I love you, Direk Mark," masayang sabi ni Karylle.
"Siyempre, he gave us that wonderful project ('Encantadia') that has really put us in the hearts of so many people. So I would love to do another project with Direk Mark," dagdag niya.
Samantala, ngayong nasa Kapuso Network na ang It's Showtime, na mapapanood simula April 6 sa GMA, gusto ni Karylle na muling makabisita sa noontime show ang mga original Sang'gre na sina Sunshine, Iza, at Diana.
"Sobrang naging special 'yung Sang'gre reunion during 'Magpasikat' and we were all pleasantly surprised na after all these years parang ang dami pa palang fans ng OG (original) 'Encantadia.' So I think more of that pero parang in a bigger scale reunion. Kasi parang if you want to cater to the inner child of a certain people or a certain batch, 'di ba parang why not give something happy to them, so something like that."
KILALANIN ANG BAGONG HENERASYON NG MGA SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: