
Habang ginugunita ng Pilipinas at Simbahang Katoliko ang Kuwaresma, naghanda ang GMA-7 ng mga programa na magbibigay ng inspirasyon at aantig sa ating mga puso sa parating na Maundy Thursday (March 28), Good Friday (March 29), at Black Saturday (March 30).
Narito ang mga programang matutunghayan sa GMA-7 ngayong Maundy Thursday.
Panoorin ang kuwento ng isang pambihirang babae na nakahanap ng kapatawaran dahil sa kanyang pananampalataya sa Magdalena, 6:00 a.m.
Susundan ito ng back to back animated specials na Rise of the Guardians, 7:30 a.m., at Stuart Little 3, 9:00 a.m.
Ma-touch sa katapatan ng mga mahal nating alagang hayop sa Lassie, 10:30 a.m.. at Marley and Me, 12:00 p.m.
Sumama naman sa exciting na mga paglalakbay sa animated film na The Adventures of Tintin, 2:00 p.m., at blockbuster fantasy film na The Hobbit: An Unexpected Journey, 3:00 p.m.
Isa na naman masusing pagtalakay sa mahahalagang isyu ng lipunan ang hatid ng The Atom Araullo Specials, 5:30 p.m.
Nagpapatuloy naman ang paghahatid ng GMA Network ng "serbisyong totoo" sa flagship news program na 24 Oras, 6:30 p.m.
Huwag din palampasin ang classic Biblical film at Holy Week favorite na The Ten Commandments starring Charlton Heston, 7:00 p.m.
Magtatapos naman ang araw sa isang makabuluhang dokumentaryo mula sa Reporter's Notebook, 11:00 p.m.
Silipin rin ang listahan ng GMA-7 programs para sa Good Friday dito.
Silipin rin ang listahan ng GMA-7 programs para sa Black Saturday dito.
Magbabalik naman ang regular programming sa Easter Sunday, March 31.
Have a blessed Holy Week, mga Kapuso!