
Habang ginugunita ng Pilipinas at Simbahang Katoliko ang Kuwaresma, naghanda ang GMA-7 ng mga programa na magbibigay ng inspirasyon at aantig sa ating mga puso sa parating na Maundy Thursday (March 28), Good Friday (March 29), at Black Saturday (March 30).
Narito ang mga programang matutunghayan sa GMA-7 ngayong Good Friday.
Simulan ang Good Friday sa pamamagitan ng paggunita sa buhay ng ating Panginoon at Tagapagligtas sa pelikulang Jesus, 6:30 a.m.
Huwag ding palampasin ang Power To Unite with Elvira, isang internationally-acclaimed religious program, hosted by Papal Pro Ecclesia awardee Elvira Yap Go, 7:30 a.m.
Ipapaalala naman ng animated film na The Adventures of Tom Thumb and Thumbelina, 8:00 a.m., na makakahanap tayo ng pagmamahal at pagtanggap kahit anuman ang panlabas na anyo natin.
Sumama naman sa time travel fantasy adventure na Anastasia: Once Upon a Time, 9:00 a.m.
Balikan din ang much-loved action adventure film na pinagbidahan ni Robin Williams na Jumanji, 10:30 a.m.
Magnilay at gunitain ang seven last words ni Hesus sa Siete Palabras, 12:00 p.m.
Mas kilalanin pa ang ilang mahahalagang kababaihan sa Bibliya sa Women of the Bible, 2:00 p.m.
Haharapin naman ni Bilbo Baggins ang isang mabagsik na dragon sa The Hobbit: The Desolation of Smaug, 3:00 p.m.
Puno ng inspirasyon ang kuwento ng pagsubok at pananampalataya sa Tanikala, 5:30 p.m.
Nagpapatuloy naman ang paghahatid ng GMA Network ng "serbisyong totoo" sa flagship news program na 24 Oras, 6:30 p.m.
Panoorin din ang iconic family drama film na Tanging Yaman, 7:00 p.m.
Susundan ito ng epic biblical film na Son of God na pinagbidahan ni Diogo Morgado, 9:00 p.m.
Magtatapos naman ang araw sa isang makabuluhang dokumentaryo mula sa I-Witness, 11:15 p.m.
Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Maundy Thursday dito.
Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Black Saturday dito.
Please link once available
Magbabalik naman ang regular programming sa Easter Sunday, March 31.
Have a blessed Holy Week, mga Kapuso!