Showbiz News

Dingdong Dantes, handa nang masaktan?

By SAMANTHA PORTILLO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Ang taong umiibig, hindi naiiwasang masaktan. Mas nagiging kumplikado pa ang lahat kung hindi lamang isang tao ang iyong iniibig. Kaya ba ni Dingdong Dantes ang mga pagdadaanan ng kanyang karakter sa Ang Dalawang Mrs. Real?
 

Hinahanda na ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang kanyang mga pisngi, hindi para sa kisses ng girlfriend niya na si Marian Rivera, kundi sa mga nalalapit na maaksyong eksena sa Ang Dalawang Mrs. Real.

Kuwento niya kay Nelson Canlas ng 24 Oras, tapos na raw ang warm-up stage ng kanyang karakter  na si Anthony Real. Mas kumplikado at puno ng emosyon ang mga susunod na eksena.
 
Si Lovi Poe naman na gumaganap na Shiela Real, excited sa muli nilang paghaharap ng isa pang Mrs. Real na si Millet, na ginagampanan naman ng Diamond Star na si Maricel Soriano.
 
Tiyak daw na mas mae-engganyo ang mga manonood, lalo na at maraming magiging pasabog sa teleserye.