Showbiz News

Michael V: Master of impersonations

By AEDRIANNE ACAR 

Master of impersonations na maituturing si Bubble Gang mainstay Michael V. Beterano na sa industriya si Bitoy at ilang beses na niyang napatunayan ang galing niya sa pagpapatawa sa telebisyon at sa pelikula. Bukod pa riyan, laging inaabangan ng mga Kapuso natin kung sinu-sino ang mga personalidad na gagayahin niya.

Mga Michael V fans, silipin muna natin ang ilan sa ‘best impersonations’ ng comedy master. 

Namatay noong December 1977 ang legendary comedian na si Charles Spencer Chaplin. Nagbigay pugay si Michael V to Charlie Chaplin, one of the best comedians of our time. 



Siya ang lider ng Voltes V na lumalaban sa mga alien invaders na mga Boazanians. Meet Steve!



Hindi nakaligtas ang 15th President of the Republic of the Philippines sa panggagaya ni Michael V.



Michael V can groove like the Korean superstar Psy.



Mahihirapan si Former Senator Kiko Pangilinan to distinguish kung sino sa dalawang Sharon Cuneta ang tunay niyang kabiyak.



Bonafide actress, brilliant chef, loving wife and mother ‘yan si Judy Anne Santos. Oh wait! Si Juday ba talaga 'to?