Showbiz News

Top 3 aral sa buhay mula kay 'Niño

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Kapupulutan talaga ng aral ang GMA Telebabad show na Niño. Dahil dito, naghanap ang GMANetwork.com ng three lessons na puwedeng i-apply sa totoong buhay.
 
Know your priorities
 

 
Dinala ni Niño sa isang peryahan si Gracie upang surpresahin. Nanliligaw kasi si Niño sa kanyang best friend. Nagulat naman si Gracie sa ginawang pag-amin ni Niño pero hindi ito natuwa. Hindi siya sang-ayon sa maagang panliligaw ni Niño sa kanya dahil hindi pa pumapasok sa isip ni Gracie ang pakikipagrelasyon. Ang nasa utak niya lang ay ang pagkakaibigan nilang dalawa at naniniwala siyang wala pa sila sa tamang edad para sa isang relasyon.
 
Gracie: “Niño, hindi mo kailangang manligaw para maging magkaibigan tayo. Sorry Niño pero hindi puwede kasi masyado pa tayong bata.”
 
Respect women
 
 
Mayroong mga lasing na pumunta sa panciteria na naghahanap ng beer. Si Leny ang humarap sa kanila para sabihing wala silang tindang alak kaya’t sinabi niya na mabuti pang lumipat na lang ng lugar na iinuman ang mga ito. Pero hindi tumigil ang mga lasing at binastos pa si Leny. Buti na lamang ay dumating sina David at naipagtanggol ang asawa.
 
David: “Ang mga babae, ginagalang 'yan. Wala ba kayong mga nanay? Tsaka ang alak, sa tiyan lang 'yan. Hindi dapat umaabot sa utak 'yan!"
 
Nakita rin ni Niño ang nangyari kaya’t ipinaliwanag sa kanya ng ama ang importansiya ng paggalang sa kababaihan.
 
David: “Dapat ilalayo natin 'yung mga babae sa masasama lalo na kung mahal natin. Dapat parang mga superhero nila tayo.”
 
True love waits
 

 
Ikinuwento ni Olivia sa anak na si Gracie ang nangyari sa kanya at ng ama nito. Ayon kay Olivia, nagkakilala raw sila noon sa isang beauty contest. Kasali kasi noon si Olivia sa Miss Teen Pag-asa at napakaganda raw niya noong gabing iyon kaya’t nabighani sa kanya ang ama ni Gracie. Pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon dahil mga bata pa sila noon. Ayaw niyang matulad ang anak sa kanyang kapalaran kaya pinayuhan ni Olivia si Gracie.
 
Olivia: “Ang true love, nakakapaghintay 'yan at pinaghihirapan. At hindi 'yan nadaraan sa pa-cute!”
 
Patuloy na panoorin ang Niño gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras dahil marami pang mga aral ang nais nilang iparating sa mga manonood.