
Mula simula ng kanyang showbiz career, binalikan ni Sang'gre actress Bianca Umali na sa Kapuso Network na siya palaging nag-o-audition at ume-extra hanggang sa opisyal na maging bahagi ng GMA Artist Center (ngayon ay Sparkle), noong 2009 sa edad na siyam.
Ayon kay Bianca, dalawang taon lamang siya noong magsimulang gumawa ng commercials. "And then, I started na mag-audition and mag-extra as a kid when I was seven. Ever since lagi rin akong sa GMA nag-audition, so even before I signed with GMA in 2009 doon lang din ako napapadpad palagi."
Kuwento pa niya sa GMANetwork.com, "I started becoming the young version of the main lead of mga show when I was eight. And then, I was discovered in the background of one of the commercials under Columbia Candy, which is the producer of the [children's] show called Tropang Potchi (2009) and that was when I officially signed.
"So I was a kiddie host there sa Tropang Potchi hanggang sa dumating ang Mga Basang Sisiw (2013), which is the very first teleserye where I was one of the lead roles."
Binalikan din ng aktres ang kauna-unahang role na ginawa niya kung saan mayroon na siyang pangalan at kasama na siya sa mga artistang nakaupo sa story conference nito, ang 2011 fantasy comedy series na Magic Palayok.
"'Yun 'yung show na may pinakaunang pangalan ako at hindi lang ako talent na may lines," sabi niya.
Matapos ang Mga Basang Sisiw ay nagtuloy-tuloy na rin ang paggawa ni Bianca ng iba't ibang show hanggang sa magkaroon ng love team at makuha ang kauna-unahan niyang title role sa 2019 fantasy series na Sahaya.
Pinahanga rin ni Bianca ang manonood sa mahusay na pagganap bilang Farrah sa hit drama series na Legal Wives (2021) kung saan nakasama niya sina Dennis Trillo, Andrea Torres, at Alice Dixson.
Sa ngayon, 15-taon nang nasa GMA si Bianca at hindi maitatanggi na isa siya sa pinakamahuhusay na aktres ng network.
Talaga namang kaabang-abang ang pinaghahandaan niya ngayong malaking role sa iconic telefantasya ng GMA na Encantadia Chronicles: Sang'gre, kung saan gagampanan niya ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa na si Sang'gre Terra.
Makakasama rin niya sa serye ang tatlo pang bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian.
TINGNAN ANG CAREER MILESTONES NI BIANCA UMALI SA GALLERY NA ITO: