Showbiz News

Anne Curtis, dinadaan sa pagkanta ang stress sa motherhood

By Marah Ruiz

Inilalarawan ng aktres na si Anne Curtis ang sarili bilang isang optimistic na tao. Ibinahagi ng It's Showtime host na ito ang sikreto sa pananatili ng kanyang kagandahan.

"Sa tingin ko 'yung pagiging masayahin. I try to stay positive. And I think motherhood din siguro," lahad ni Anne.

"Sobrang nag-iba na rin 'yung priorities ko in life as a mother. Sobra-sobra 'yung pagbabago ko pero in a very good way," dagdag pa niya.

Kakaiba naman ang stress reliever ni Anne tuwing nakakaramdam naman siya ng stress bilang isang ina.

"Kumakanta! Dinadaan ko sa kanta and it helps. Try mo," bahagi ni Anne.

Galing sa bakasyon sa Taiwan si Anne at ang asawa niyang si Erwann Heussaff pati na ang anak nilang si Dahlia.

"We were there as a family basically to spend time together, para mag-food trip din. iIt was just a time to reflect and bond," aniya.

Suwerte namang hindi sila inabutan ng 7.4 magnitude earthquake tumama sa Taiwan noong April 3. Siyam na ang naitalang namatay, habang may 1,000 namang nasugatan dito.

"Sa ating mga madlang Kapuso diyan sa Taiwan, you are in our thoughts and our prayers. Sa lahat ng nandoon, we continue to pray for their safety. Of course, makinig tayo sa mga local authorities for updates about sa kalagyan nila doon. You're in our thoughts and prayers," mensahe ni Anne.

Samantala, excited na si Anne sa unang episode ng hit noontime show na It's Showtime sa bago nitong tahanan ngayong mapapanood na ito sa GMA simula April 6.

Image Source: itsshowtimena (Instagram)

"Never in our wildest dreams inakala ko na mangyayari ang pagkakataon na ito," lahad ni Anne.

Star-studded at puno ng saya sa unang episode ng programa sa GMA.

"Maraming dapat abangan. May kantahan, may kakulitan, may games. Makikita mo ang mga Kapuso stars at mga Kapamilya stars na magsasama sama," bahagi niya.

Biro pa ni Anne na dapat daw abangan ang kanyang "golden voice" at special birthday celebration ni Asia's Unkabogable Phenomenal Superstar Vice Ganda.

Panoorin ang buong interview ni Iya Villania kay Anne Curtis para sa 24 Oras sa video sa itaas.