Showbiz News

Jose Manalo at Eugene Domingo, nagkakamabutihan?

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
By MARY LOUISE LIGUNAS
 
Tuwing Sabado, napapakilig nina Jose Manalo at Eugene Domingo ang mga nanonood ng Celebrity Bluff. Totoo bang napapakilig naman nila ang isa’t-isa sa totoong buhay?
 
“Minsan kinikilig din ako… Basta ako, honest lang ako sa nararamdaman ko. Kung ano 'yung nakikita niyo sa TV, 'yun 'yun… Saka hindi naman siya mahirap magustuhan,” idineklara ni Uge sa Startalk.
 
Inamin din ni Jose na totoo ang nakikita ng audience sa relasyon ng dalawang komedyante.
 
“Honest din naman ako sa TV. Kung ano 'yung nakikita niyo, 'yun na rin 'yun. Hindi naman maipipilit,” pagkumpirma niya.
 
Takot magka-relasyon ulit
 
Maraming isyung kinasangkutan si Jose at ang kanyang asawa kaya’t takot na raw magkaroon ng relasyon si Jose. “Syempre, sa katayuan ko, natatakot na ‘ko eh. Alam [niyo] naman nangyari sa buhay ko 'di ba? Baka mamaya isa pa ‘to. Ano ba naman ‘to?” pabirong tukso niya sa Celebrity Bluff host.
 
Hindi sinasara ang pinto
 
May mga kinakatakutan man si Jose ay bukas pa rin siya sa mga maaaring mangyari. “Parang nasa loob ka lang ng bahay niya. Habang tumatagal, nade-develop 'yung mga bagay bagay. Natututunan, parang ganun. Magkamukha na nga kami 'di ba?” biro niya.
 
Celebrity Bluff, parang relasyon nila
 
Hindi minamadali nina Jose at Uge ang kanilang relasyon. Basta’t alam nila na masaya sila at marami silang ibang napapasaya.
 
Ikinumpara ni Uge ang kanilang relasyon sa show nila. “[Ang] Celebrity Bluff… katulad namin, hindi namin alam kung ano mangyayari. Basta masaya,” sabi niya.