GMA Logo Shaira Moro
Source: Screenshot from music video of AHS Productions
What's Hot

'Selos' singer Shaira Moro releases new song 'Selos na 'yan, Friend'

By Jimboy Napoles
Published April 7, 2024 7:26 PM PHT
Updated April 8, 2024 10:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte on alleged visit to Teves: I neither confirm nor deny
Power supply disrupted after man walks on power lines in Davao City
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Moro


Napakinggan mo na ba ang bagong kanta ni B-Pop Queen Shaira?

Inilabas na ng tinaguriang B-Pop Queen na si Shaira Moro ang music video ng kaniyang bagong awitin na “Selos na 'yan, Friend.”

Sa YouTube channel ng AHS Productions, mapapanood ang naturang music video na may linyang, “'Pag may tumataas, hinihila pababa. O, selos na 'yan, friend at 'yan ang naging epekto.”

Base sa lyrics ng nasabing kanta, tila sagot ito ni Shaira sa mga bumatikos sa kanya matapos ang naging “copyright claim” sa nag-trend niyang awitin na “Selos,” na umano'y kagaya sa awitin ng Australian singer-songwriter na si Lenka na “Trouble is a Friend.”

Sa credits ng “Selos na 'yan, Friend,” makikitang original written and composed ang kanta at originally produced din ang ginamit na music.

Sa comments section ng video, marami sa fans ni Shaira ang nagbigay ng suporta para sa kanya.

“Grabe, ganda ng message!” komento ng isang fan.

“Sana hindi na ma-copyright ang ganda pa naman boses ni madam Shaira. Go go girl!” dagdag pa ng isang niyang follower.

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI SHAIRA MORO RITO: