Showbiz News

Andrea Torres on bashers: 'At least nasasabi nila sa ‘yo kung ano 'yung mga mali mo'

By AEDRIANNE ACAR 

PHOTO BY ALLANAH PARAGAS, GMANetwork.com
 
Blooming na blooming Ang Lihim ni Annasandra star na si Andrea Torres nang makapanayam namin ito sa taping ng Bubble Gang. 
 
Pero tulad din ng ibang mga artista, hindi nakaligtas ang Kapuso actress sa mga negative comments na pinupukol ng mga bashers. Aminado si Andrea na naaapektuhan siya nito, ngunit hindi raw niya hinahayaan na masira ang araw niya ng mga komento. Dahil naniniwala ang aktres na imposibleng ma-please mo ang lahat ng tao. 
 
“May mga nakakalusot pero pangilan-ngilan lang 'yung nababasa ko talaga eh and very grateful ako dun kasi siyempre sa trabaho natin hindi mo naman talaga mae-expect na lahat gusto ka. Lahat magagandahan sa‘yo [at] magagalingan sa‘yo."
 
Ayon din sa Kapuso actress, pinag-aaralan din daw niya ang mga puna na binabato sa kanya for self-improvement. 
 
“Pero saglit na saglit lang ire-remind mo lang yung sarili mo na ganun talaga yung realidad 'di ba. Nagkataon lang sa trabaho natin naririnig talaga natin, nakikita natin.

"Minsan naman 'pag kunwari madalas ko siyang naririnig or 'yung nakapagsabi sa akin eh malapit sa akin, eh 'di maganda kasi makapag-improve ka sa sarili mo. At least nasasabi nila sa‘yo kung ano 'yung mga mali mo.”