
Naimbitahan ng host-vlogger na si Luis Manzano ang social media star na si Kween Yasmin sa kaniyang vlog.
Sa naturang vlog, kinumusta ni Luis ang love life ng huli.
Kasunod nito, nagkuwento na ang content creator tungkol sa kaniyang mga karanasan sa kaniyang past relationships.
Ayon sa social media star, mayroon siyang nakarelasyon noon na isang security guard, na kalaunan ay nakipaghiwalay din siya nang malaman niyang pamilyado pala ang lalaki.
Nang maka-move on na, nakahanap ng panibagong pag-ibig ni Kween Yasmin pero hindi rin ito nagtagal.
Kaugnay nito, ibinahagi na niya kay Luis ang funny experience sa kaniyang dating boyfriend na ayon sa kaniya ay isa ring influencer.
Ayon sa vlogger, “Nakikipag-date po siya tapos kami na po nun. Tapos sabi po niya na ako raw gagastos ng transpo, pati pagkain. Sabi ko, ay 'wag na.”
“Tapos, pinutol ko na po 'yung ugnayan po na 'yun, nakipag-break na po ako,” dagdag pa niya.
Sabi pa ni Kween Yasmin, matapos niyang makipaghiwalay ay patuloy pa rin siyang kinukulit ng kaniyang ex-boyfriend.
Sabi niya, “Pinutol ko na po 'yung ugnayan pero nangulit pa rin po siya…”
Ayon sa vlogger, sa ngayon ay naka-focus siya sa kaniyang career at personal na buhay.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 65,000 views ang vlog ni Luis sa YouTube.
Related Gallery: Jessy Mendiola at Rosie, sabay nag-celebrate ng birthday