
“What you see is what you get.”
Ito ang naging sagot ni Asia's Multimedia Star Alden Richards sa panunukso ng maraming netizens sa sweet moments nila ng aktres na si Kathryn Bernardo sa surprise post-birthday celebration nito kamakailan.
Sa 24 Oras, ikinuwento ni Alden ang kaniyang naging experience sa nasabing birthday party ni Kathryn.
Aniya, “I was invited and siyempre, it was part of her post-birthday celebration with friends and family. Masaya naman. Masaya naman 'yung naging experience and you can see how happy Kath is right now.”
Sabi ni Alden, hindi naman naputol ang friendship nila ni Kathryn magmula nang magtambal sila sa 2019 hit film na Hello, Love, Goodbye, kung kaya't kitang-kita pa rin ang pagiging close nila sa isa't isa hanggang ngayon.
Matatandaan na mabilis na nag-viral ang mga larawan at video nila ni Kathryn sa naturang birthday party kung saan sinorpresa niya pa ang aktres ng bouquet of flowers at mamahaling regalo.
Dahil dito, maraming netizens ang kinilig at nakabuo pa ng fandom na tinawag na “KathDen” fans.
Pero reaksyon dito ni Alden, “Hindi lang din talaga kailangan lagi ipamalita sa social media 'yung mga ganiyan. You know, sometimes 'yung mga personal things that's happening, better be personal na lang.”
RELATED GALLERY: Alden Richards surprises Kathryn Bernardo at her post-birthday celebration
Sa ngayon, abala na rin si Alden sa taping ng upcoming historical drama series ng GMA na Pulang Araw. Makakasama niya rito sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Dennis Trillo.
Nakatanggap din ng papuri si Alden sa kaniyang madamdaming pagtula sa inilabas na commemorative video ng Pulang Araw para sa Araw ng Kagitingan nitong April 9.