Showbiz News

Benjamin Alves’ tips on how to get over your ex

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Inamin ni Benjamin Alves sa GMANetwork.com na dumaan na rin siya sa isang broken relationship. Dahil naniniwala siyang maraming tao ang nakaka-experience nito, nagbigay siya ng ilang tips kung paano maka-move on.
 
Sa istorya ng Dading, iniwan ng character ni Benjamin na si Joemer ang girlfriend niyang si Beth. Hindi niya pinanagutan ang hindi inaasahang pagkabuntis ng dalaga at natakot siya sa malaking responsibilidad nito kaya’t nagtungo siya sa Amerika. Nang maging successful siya roon, bumalik siya sa Pilipinas para kausapin si Beth.
 
Nang tanungin namin si Benjamin kung nangyari na ba sa kanya in real life ang ginawa ni Joemer, sinabi niyang hindi pa naman daw. “Nang-iwan ng babae, I don't think so. Naiwanan ng babae, yeah, that has happened,” tugon niya.
 
Dahil dito, nagbigay ng moving on tips si Benjamin. Una sa listahan niya ang pag-iwas sa mga bagay na ikalulungkot mo. Saad niya, “Don't listen to sad music. Don't do that to yourself.”
 
Pangalawa, baguhin daw ang routine mo sa buhay. “Eventually kasi, kapag nasanay ka na na kasama siya lagi, you have to continually go the other way. Kailangan mo siyang kalimutan. So 'yung routine mo, maghanap ka ng bagong routine. That's the best thing to do,” anang aktor.
 
At panghuli, layuan ang mga bagay na magre-remind sa ‘yo ng inyong relationship. Aniya, “The more you steer away from things that reminds you of her, then the better. The more you're out of what you're comfortable with, like 'yung feelings na nare-raise kapag naaalala mo siya, the better.”
 
“Everyone gets over it. There is no such thing as you can't get over a girl,” pahayag ni Benjamin.
 
Gaano ba katagal ang pagmo-move on? “It varies. I guess it’s how much you invested in the case or kung ano 'yung reason ng break-up. If the girl cheated on you, that's a pretty easy thing to get over. But 'pag maayos 'yung parting of ways, mas mahirap 'yon, mas matagal 'yon,” sagot ni Dading star.
 
Pero bilin ni Benjamin, para masabi mong naka-move on ka na, dapat ay maging honest ka sa sarili mo na wala ka na talagang nararamdaman.