Showbiz News

Mikael Daez: Challenge accepted!

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ALLANAH PARAGAS, GMANetwork.com

 
Flexibility is a trait that Mikael Daez has truly mastered.
 
Hindi kataka-taka na mapa-acting man o hosting ay gamay na gamay na ng Kapuso heartthrob ang mga ito. 
 
Kaya tinanong namin si Mikael kung saan sa dalawa ang mas komportable siyang gawin. Sagot niya, “Both. Iba-iba yung feeling. I guess iba 'yung goal. Sa acting, 'yung character kailangan mo magampanan ng maayos. ‘Yun yung pinaka-challenge doon para sa akin. Sa hosting, ang challenge na nakikita ko is kailangan maitawid ko 'yung nangyayari doon sa tao.” 

Para sa binatang actor masaya siya na marami siyang nagagawa bilang artista. Marami rin siyang natutunan na bago at fulfilling daw ang ginagawa niyang trabaho. 
 
“Natutuwa ako na nagagawa ko 'yung iba-ibang challenge at mas natutuwa ako 'pag iba-iba 'yung mga ginagawa ko parang ang dami kong nae-explore. Very fulfilling siya para sa akin. 'Yung iba gusto nila isa lang.” saad nito. 
 
Nagbigay paalala rin ang Ismol Family star sa lahat ng gustong mag-artista na hindi ka dapat maimpluwensiyahan ng ginagampanan mong karakter. 
 
Aniya, “Dapat kunwari sira ulo 'yung character mo, magiging sira ulo ka rin ba? [Kailangan] naco-compartmentalize mo 'yung trabaho mo. Siyempre iba yung personal life mo sa trabaho mo. Kung napaghahalo mo baka may nagagawa kang mali.”