Showbiz News

Glaiza bilib na bilib kay Chynna?

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Halos lahat ng co-actors ni Glaiza de Castro sa Dading ay first time niya pa lang nakatrabaho. Isa rito si Kapuso actress Chynna Ortaleza na hinahangaan ngayon ni Glaiza.
 
Sa istorya ng Dading, ginagampanan ni Glaiza ang character ni Beth. Samantalang si Chynna naman ang role na Celine. Konektado ang dalawa dahil kay Joemer, na ang gumaganap naman ay si Benjamin Alves.
 
Past ni Joemer si Beth. Siya ang tinalukiran niya dahil natakot siya sa responsibilidad nang mabuntis niya ito. Si Celine naman ang present at ngayo’y fiancée ni Joemer na nakilala niya sa Amerika.
 
Mayaman, business-minded at meticulous si Celine. Ayon nga sa kanya, bihira siyang magkamali kaya’t naabot niya ang kinaroroonan niya ngayon.
 
Binisita ng GMANetwork.com ang set ng Dading at naabutan namin si Glaiza at ikinuwento niya sa amin ang kanyang working relationship kay Chynna.
 
“Nakapag-tape na rin kami ng marami-raming scenes. And nakakatuwa kasi ang galing niya! Sobra akong na-a-amaze,” pahayag ni Glaiza.
 
Kuwento ni Glaiza, napapabilib daw siya dahil kayang-kaya ni Chynna na biglang mag-switch sa kanyang character. “May times na nakatingin lang ako sa kanya kasi she's totally different [from] Celine. Nakikita mo agad 'yung transformation niya,” saad niya.
 
Hindi lang daw si Chynna ang hinahangaan ni Glaiza dahil lahat daw ng kanyang co-stars ay magagaling. “Actually lahat talaga sila eh. Alam mo 'yung sana pinapanood ko na lang sila. Minsan ganoon ‘yung feeling kasi ang sarap lang talaga nilang panoorin,” ani Glaiza.
 
Dagdag pa niya, “Alam mo ‘yung na-a-amaze pa rin ako. Until now, thankful pa rin ako na binigyan ako ng chance to work with these kind of people.”
 
Dahil sa galing umarte ng mga katrabaho ni Glaiza, nagiging light na lang daw ang taping scenes nila. Aniya, “Effortless lahat. Wala akong naging naging experience dito sa Dading na nahihirapan ako sa eksena or na nahihirapan akong humugot ng emosyon.”