Showbiz News

Anak ni Elise napuno ng pasa

By EUNICIA MEDIODIA
 

 
Malapit nang makalaya si Elise ng Secret Love sa loob ng kulungan. Sa kanyang parole hearing, sinabi niyang gusto niyang maipakita ang mga bituin sa kanyang baby oras na makalabas siya ng kulungan. Si Sonny, ang kanyang anak ang naging pag-asa niya sa kulungan.
 
Lagi niya itong tinitingnan at sumasaya ang kanyang araw kaya naman ginagawa niya ang lahat para mapadali ang kanilang paglaya.
 
Nakatanggap ng bisita si Elise ng araw na iyon. Hindi niya inaasahan na may gustong magpakita sa kanya. Inisip niyang si Howard. Pagkatapos niyang magpaganda, dali dali niyang pinuntahan ang kanyang bisita.
 

 
Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Isang hindi inaasahang bisita ang bumulaga sa kanya. Siya si Dominic, ang taong malaki ang galit kay Elise. Ano kaya ang pakay nito sa kanya?
 
Pagkatapos nila mag-usap ni Dominic, bumalik si Elise sa kulungan. Pinuntahan niya si Sonny. Ito ang nagpasaya sa kanya sa malungkot na araw na ‘yon. Ngunit hindi pala doon natatapos ang lahat dahil dumating ang mga pulis at kinuha si Sonny mula sa kanya.
 

 
Sinuri nila ang lagay ni Sonny. Pagtingin nila sa katawan nito, puno ito ng mga pasa. Paano nangyari ‘yon? Sino kaya ang may gawa nito sa kanya?
 
Nadurog ang puso ni Elise nang makita ang kalagayan ng kanyang anak. Pero walang hihigit pa sa sakit nang kunin ng mga pulis ang kanyang anak. Hindi niya alam kung saan nila ito dadalhin. Nag-aalala siya pero wala siyang magawa.
 
Tinawagan niya si Howard para ibalita ang nangyari. Parang nababaliw na siya habang kausap si Howard.
 
Lumipas ang mga taon at nakalaya na si Elise. Una niyang hinanap ang kanyang anak. Dinala ni Howard si Elise kung saan huling nakita ang kanyang anak. At sa pagkakataong ito, gumuho ang mundo ni Elise.
 
Patay na si Sonny.
 
Paano magpapatuloy si Elise ngayong wala na sa kanya ang pinakamamahal niyang anak? Makabangon pa kaya siya sa sakit na kanyang nararamdaman? Ano ang naghihintay sa kanya sa labas ng kulungan?