GMA Logo Chito Miranda, Flow G
What's Hot

Chito Miranda at Flow G, may 'niluto' na kanta para sa kanilang fans

By Jimboy Napoles
Published April 17, 2024 12:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Chito Miranda, Flow G


Handa na ba kayo sa isang malupit na collab nina Chito Miranda at Flow G?

Isang pangmalakasang collaboration song ang ginawa ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda at ng Pinoy rapper na si Flow G.

Sa Instagram post ng dating The Voice Generations coach na si Chito, four years in the making bago “maluto” ang kanta nila ni Flow G.

“O, paano ba yan...luto na talaga,” bungad ni Chito sa caption ng kaniyang post kung saan makikita ang larawan nila ni Flow G na abala sa pag-aayos ng kanilang awitin.

Kuwento ni Chito, “4 years in the making yan. 2020 nagkakilala kami at nagplano gumawa ng kanta. Last year, tinapos namin yung kanta at nirecord pero di namin masyado na-tripan.

“A few weeks ago, binalikan namin yung kanta. Kagabi, tinapos na namin...at nagustuhan hahaha!”

“Pero parang di na-tripan ni @plojiflowg yung lyrics ko (binabasa nya nakasimangot e),” biro pa ng OPM singer.

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)

Sa nasabing post ni Chito, nag-comment ang girlfriend ni Flow G na si Angelica Jane Yap o kilala rin noon bilang “Pastillas Girl” ng It's Showtime.

“Napakinggan ko naaaa aaaaaaaaaahhhhhhh,” pahapyaw ni Angelica patungkol sa kanta.

Nag-reply rin dito si Chito, “Uy happy birthday!!! sana na-tripan mo yung ginawa namin.”

Sumagot naman dito si Angelica. Aniya, “Kanta n'yo ang kumumpleto ng birthday ko Sir Chits nalusaw ako grabe.”

Wala namang ibinigay na detalye si Chito kung kailan nila ire-release ang nasabing unang collaboration song nila ni Flow G. Pero marami sa kanilang fans na ang nag-aabang na mapakinggan ito.