What's Hot

Gabbi Garcia at Sanya Lopez, abala na para sa 'Sang'gre'

By Kristine Kang
Published April 18, 2024 10:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

gabbi garcia and sanya lopez


Naka-focus sa pagwo-work out si Gabbi Garcia habang si Sanya Lopez ay sumasabak na sa kaniyang action scenes.

Hindi na mapigilan ang excitement ng mga Encantadia requel stars na sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza De Castro, at Kylie Padilla.

Maliban sa kanilang reunion, pinag-uusapan na rin nila ang kanilang gagamitin na bagong set at ang kanilang mga karakter sa programa.

Kani-kaniya na rin silang naghahanda para sa kanilang pagbabalik. Isa sa mga preparasyon nila ay mag-work out para sa kanilang warrior-like body fit.

Sa isang panayam kasama si Nelson Canlas para sa 24 Oras, nabahagi ni Gabbi Garcia ang kaniyang intense work out routine.

Halos araw-araw nasa gym ang Sang'gre star at kita rin sa kaniyang gym videos na madalas na siyang nagbubuhat ng weights.

Sabi ni Gabbi gusto niya raw kasi palakasin ang kaniyang katawan para sa shoot. Inamin din niya na mukhang mapapasabak siya sa taping dahil iba na ng kaniyang katawan kumpara sa kanilang huling shoot sa Encantadia.

"When I did [Encantadia] I was just 17. So the metabolism and the stamina [was] different. I'm 25 na, so I really have to work harder right now pero at the same time, as yung age di ba, you become wiser. So ako, hindi lang dahil ginagawa ko siya to look good, I wanna feel stronger," sabi niya.

Hindi lang daw lumalakas ang katawan tuwing nag-e-exercise. Ito rin ay nakakatulong mag-produce ng happy hormones.

Sabi niya, "Halos every day nag-wo-work out ako, nag gy-gym ako, 'cause I need to sweat it all out. I need to sweat all out the stress, you know the worries. It's the best place to be yourself. For me as of the moment."

Maliban kay Gabbi, ikinuwento rin ni Sanya ang kaniyang paghahanda para sa Sang'gre.

Kamakailan lang, sinuot na niya ulit ang kaniyang Danaya costume. Tila raw hindi niya mapigilang kiligin nang sinuot niya muli ito.

Napasabak na rin si Sanya sa kaniyang mga action scenes. Ika nga niya, nanibago siya sa bagong style ng pagka-shoot nito ni direk Mark Reyes.

"Talagang grabe mga fight scene namin ngayon. Nagtatagal kami ng parang half a day para lang sa fight scene, sa isa lang, ha. Before kasi, ang eksena namin dati ire-rehearse namin ngayon [then] take agad."

Pero excited si Sanya mapalabas ang mga action scene dahil raw maganda ang pagkakuha nito at nakakatuwa itong panoorin.

Malapit nang mapapanood ang Encantadia Chronicles: Sang'gre sa GMA.

Maliban sa mga kaabangabang mga eksena, dapat rin abangan ang mga new generation sang'gre na sina Bianca Umali, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith Da Silva.

teaser/photo/261510/encantadia-chronicles-sanggre