Bianca Umali at Sanya Lopez, unang beses na nagsama sa taping ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'

Masayang-masaya ang Kapuso stars na sina Bianca Umali at Sanya Lopez matapos ang unang pagsasama nila sa taping ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa ipinadalang larawan sa GMANetwork.com ay ipinakita na handa na sina Bianca at Sanya sa kanilang gagampanang mga karakter sa inaabangang iconic telefantasya ng GMA.
RELATED GALLERY: 'Encantadia Chronicles:
Mapapanood si Sanya bilang Danaya sa Encantadia Chronicles: Sang'gre at si Bianca ay gaganap naman bilang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa na si Terra.
Si Terra ay ang nawawalang anak ni Sang'gre Danaya. Siya ay lumaki at namuhay sa mundo ng mga tao.
Tingnan ang mga larawan nina Bianca at Sanya sa taping ng Encantadia Chronicles: Sang'gre:



