GMA Logo allen ansay
source: sofiapablo/IG
What's Hot

Allen Ansay, handa na bang ligawan si Sofia Pablo?

By Kristian Eric Javier
Published April 23, 2024 6:41 PM PHT
Updated April 29, 2024 7:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

allen ansay


Puwede na bang manligaw si Allen Ansay kay Sofia Pablo? Alamin dito:

Nagdiwang kamakailan lang ng kaniyang 18th birthday ang Prinsesa ng City Jail actress na si Sofia Pablo. Kaya naman, tanong ng marami, handa ba ang kaniyang ka-loveteam na si Allen Ansay na ligawan siya ng totohanan?

Sinagot ni Allen ang tanong sa interview niya kay Lhar Santiago sa 24 Oras. Ayon sa aktor, “Bawal pa, bawal pa. Binibiro nga po ako ng mga directors, 'Allen ha? bawal pa.'"

Dagdag pa ng young actor, sinabi rin sa kaniya na may tamang oras naman na ligawan niya si Sofia, at pinayuhan rin sila umano na i-enjoy lang muna ang kanilang careers.

Nang tanungin naman siya kung gaano niya kamahal si Sofia, ang sagot ni Allen, “Mahal ko siya, Tito Lhar, I'm willing to wait, maghihintay po ako sa tamang oras.”

Ang reaksyon naman ni Sofia sa sinabi ni Allen, “Kilig! Siyempre masaya kasi…secret po.”

TINGNAN ANG STAR-STUDDED 18TH BIRTHDAY NI SOFIA SA GALLERY NA ITO:

Samantala, nagbigay naman ng love advice ang kanyang kapwa Kapuso star na si Sanya Lopez. Isa sa mga payo niya para sa young actress, ingatan ang sarili.

“Basta kaya mong ingatan ang sarili mo at kaya mong kontrolin ang sarili mo, 'yun lang ang masa-suggest ko. Go, baka nga maunahan mo pa 'ko e,” sabi ni Sanya.

Nagbigay rin ang Prinsesa ng City Jail co-star niyang si Beauty Gonzalez ng payo tungkol sa pag-ibig.

Sabi ng aktres, “Okay lang may crush, crush-crush, and 'wag na munang seryoso 'cause you know, this is just the beginning of life and marami pang mangyayari.”

Ilang Kapuso stars rin na dumalo sa special day ni Sofia ang nagbigay ng kani-kanilang birthday wishes.

Ipinagdasal ni Encantadia Chronicles: Sang'gre star Bianca Umali na makuha ng birthday girl ang lahat kaniyang mga hiling, at na magbunga ang lahat ng mga pinaghirapan ni Sofia.

Tiniyak naman ni Black Rider star Ruru Madrid na lagi silang available ni Bianca “everytime na may mga problema ka or may mga kailangan kang malaman.”

Hiling naman ng Makiling star na si Elle Villanueva ay ipagpatuloy ni Sofia ang pagiging mabuting anak.

Nagbigay rin si Derrick Monasterio ng mensahe kina Sofia at Allen, “Kayo ni Allen, kayo 'yung pinaka-humble na mga new breed of stars ngayon, love na love ko kayo.”

Hiling naman ni Widow's War actress Carla Abellana para kay Sofia ay manatili itong safe, healthy, at happy.

Panoorin ang buong interview nila dito: