GMA Logo New gen Sang gres reading activity at the Philippine Book Festival
Photo by: National Book Development Board - Philippines
What's on TV

New-gen Sang'gres, makikisaya sa Philippine Book Festival sa World Trade Center

By Aimee Anoc
Published April 24, 2024 3:26 PM PHT
Updated May 16, 2025 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

New gen Sang gres reading activity at the Philippine Book Festival


Mas kilalanin pa ang 'Encantadia' universe sa magaganap na reading activity ng new-gen Sang'gres sa Philippine Book Festival sa World Trade Center ngayong April 25.

Makikisaya ang new generation Sang'gres na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian sa darating na Philippine Book Festival sa World Trade Center ngayong Huwebes, April 25.

Samahan ang bagong mga Sang'gre sa kanilang reading activity at mas kilalanin pa ang apat na kaharian ng Encantadia--ang Hathoria, Lireo, Sapiro, at Adamya.

Magsisimula ang reading activity ng 2:00 p.m. sa main stage ng World Trade Center. Libre ang nasabing event, mag-register lamang sa www.philippinebookfest.com.

Ipinarating din ni Bianca ang excitement na makasama ang fans sa magaganap nilang reading session sa unang araw ng Philippine Book Festival.

Sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, makikilala si Bianca bilang Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.

Gaganap si Kelvin bilang Adamus, ang bagong tagapagmana ng Brilyante ng Tubig; si Faith bilang Flamarra, anak ni Sang'gre Pirena at ang magmamana ng Brilyante ng Apoy; at Angel bilang Deia, ang magiging bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.

Makakasama rin sa serye ang nagbabalik na sina Glaiza de Castro, Sanya Lopez, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Rocco Nacino mula sa Encantadia 2016.

Nasa serye rin sina Rhian Ramos, Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.

TINGNAN ANG PAGSASAMA-SAMA NG BAGONG HENERASYON NG MGA SANG'GRE NA SINA BIANCA, KELVIN, FAITH, ANGEL SA GALLERY NA ITO: