Showbiz News

Marian Rivera, nais hikayatin ang kabataan na magbasa

By Marah Ruiz

Nakiisa si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Book Nook Project ng National Book Development Board.

Kasama ang kanyang My Guardian Alien co-stars na sina Raphael Landicho at Gabby Concepcion, nag-donate siya ng mga kopya ng illustrated children's book na "Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien" na mula sa kanilang serye.

Mapupunta sa mga provincial libraries ang mga librong handog nila.

Nais daw ni Marian na hikayatin muli ang kabataan na magbasa.

"Nakakatuwa kasi bago talaga magsimula 'yung soap, sinabi talaga nila sa akin na gagawa sila ng libro para sa mga bata, para mayroon mapupulot na aral. Alam natin ngayon, ang mga bata bihira na magbasa. Dahil dito, ine-encourage ulit natin 'yung mga kabataan na magbasa uli ng libro," lahad ng aktres.

Excited naman si Raphael na mae-experience ng mga batang katulad niya ang libro mula sa serye.

"Masaya po ako kasi 'yung mga bata, makikita nila 'Uy, ito 'yung binabasa ni Doy sa My Guardian Alien' kaya matutuwa po sila," pahayag niya.

Umaasa naman si Gabby na may matututunang mahalagang leksiyon ang mga bata sa libro.

"Mayroon isang elemento dito na ipapakita natin--ang relationship ng isang kaibigan sa pamilya, dahil ang isang kaibigan ay puwede rin maging pamilya," bahagi ni Gabby.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.