
Muling mapapanood sa GMA ang sikat na Thai heartthrob na si Mark Prin para sa pinakabagong Lakorn na Eclipse of the Heart.
Una nang napanood sa GMA si Mark Prin sa Thai series na My Husband in Law at Game of Outlaws.
Sa Eclipse of the Heart, makikilala si Mark Prin bilang Enzo, itinuturing na black sheep ng pamilya. Siya ang magiging kasangga ni Rina (Maylada Susri) sa paghahanap ng hustisya para sa yumao nitong ama, na sinampahan ng kasong pagnanakaw.
Makakasama rin ni Mark Prin sa mystery, romance series na ito sina Two Popetorn Soonthonryanakij bilang Sam, Unda Kulteera Yordchang bilang Kara, at Nok Chatchai Plengpanich bilang Brian.
Abangan si Mark Prin sa Eclipse of the Heart, simula ngayong Lunes (May 6), 5:10 p.m. sa GMA.
MAS KILALANIN SI MARK PRIN SA GALLERY NA ITO: