Showbiz News

'Gusto kong ipakita na I'm a versatile actress' - Bianca Umali

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Huwag ismolin ang Kapuso young star na si Bianca Umali. 
 
Poise na poise ang former Basang Sisiw star at hindi mababakas sa kanya ang kaba at pressure na dala ng pagiging artista lalong-lalo na dalawang bigating programa ang kinabibilangan niya.
 
Nandiyan ang Niño kung saan ay ginagampanan niya si Gracie at kasama siya sa makulit na cast ng Ismol Family bilang Yumi na anak ni Bobong played by comedian host Pekto.
 
Kuwento nga ni Bianca sa GMANetwork.com na hindi daw niya inaasahan na sunud-sunod na projects ang binigay sa kanya ng Kapuso network.
 
Pero thankful siya na through these programs napapatunayan niya sa Management at sa mga manonood that she is the complete package, at kahit ano'ng ipagawa sa kanya ay mag-e-excel siya rito. 

“First of all, I am very blessed na binigyan nila ako ng ganitong opportunities and 'yung blessings na ibinibigay sa akin ni Lord and I am very happy and excited also na napro-prove ko 'yung versatility ko as an actor. ‘Yun naman [ang] gusto kong ipakita sa kanila. That I am a versatile actress.” 
 
Naniniwala pa rin si Bianca na marami pa siyang dapat matutunan bilang artista. Saad nito, “I am still learning naman a lot a lot a lot."
 
Dahil buhos ang biyaya kay Bianca for the first half of 2014, tinanong namin ito kung may gusto ba siyang ma-achieve o magawa sa natitirang buwan ng kasalukuyang taon. Pag-amin ng Kapuso tween na plano niya makapagbiyahe bilang regalo na niya sa sarili for all her hard work. 

“For now gusto ko ma-achieve is to travel talaga. I am not sure lang where pa but basta makapag-travel lang ako ng one or two places. Kasi last year hindi ako nakapag-travel. I was supposed to go to Coron for the summer but hindi siya natuloy."