Showbiz News

Mark Herras speaks on the death of his adoptive father for the first time

By SAMANTHA PORTILLO

 
Pumanaw ang adoptive father ni Mark Herras na si Mr. Claudio Herras, Jr. noong July 29. Bakas ang pangungulila ni Mark sa burol ng kanyang daddy Jun. 
 
Sumakabilang-buhay ang ama ni Mark dahil sa kumplikasyon ng diabetes. Kuwento ni Mark sa 24 Oras, nang dalhin sa ospital si daddy Jun ay wala na itong heartbeat.
 
Hindi pa rin makapaniwala ang Kapuso actor-dancer na pumanaw na ang kanyang ama. Nakiramay kay Mark ang kanyang ka-love team at mabuting kaibigan na si Jennylyn Mercado at ang adoptive mother ni Jen na si mommy Lydia.
 
Nagpost si Mark ng larawan nila ng yumaong ama sa kanyang Instagram account na @marktheherras.
 
"Thank you dad for everything.... Salamat sa lahat ng mga magagandang alaala na iniwan mo sakin... Kung papaano mo ako pinalaki, inalagaan at minahal," sinabi ni Mark ukol sa kanyang ama.
 
Dagdag niya, "Twenty-seven years kitang kasama dad, hindi ko alam kung paano ako gigising sa umaga at matutulog sa gabi ngayong alam kong wala ka na... Ikaw ang bumibili sakin ng mga gamit ko mula noon hanggang ngayon lalo na 'pag biglaan... Dad mahal na mahal kita at maraming salamat po sa lahat... I love you Daddy Jun.”