Showbiz News

Tom Rodriguez, umaming inspired kay Carla Abellana

By CHERRY SUN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 

Kinilala muli sa ikalawang pagkakataon ang My Husband’s Lover lead star na si Tom Rodrgiuez bilang isa sa “Most Beautiful” ng Yes! Magazine.
 
Sino nga ba ang hindi makakapansin sa ibang kislap sa mga mata ng Kapuso hunk?
 
Lalo raw bumuti at lumalim ang relationship ni Tom sa kanyang leading lady na si Carla Abellana dahil sa nakaraang tour nila sa Vietnam.
 
“I look forward to work more kasi magkasama kami. Kasi work with her is just so light, so refreshing and I enjoy [it]. I am inspired,” ani Tom sa panayam ng 24 Oras.
 
“I think I’ve found something special... for me she really inspires me,” dugtong nito.
 
Si Carla at ang My Husband’s Lover co-star nilang si Dennis Trillo ay napabilang din sa “Most Beautiful” sa ikalawang pagkakataon.
 
Kasama rin sa listahan ang ilang Kapuso stars tulad nina Janine Gutierrez, Rafael Rosell, Rocco Nacino, Julie Anne Jose at Ryzza Mae Dizon.
 
Si Aling Maliit, nagulat ng mapasama sa listahan at kinilig din kay Tom. Sabi niya, "Basta happy ay laging beautiful."