
Kahit almost three weeks na nakalipas, madalas pa ring binabalikan ng Kapuso aktres na si Sofia Pablo ang memorable moments ng kanyang tropical Hawaiian 18th birthday celebration.
Isang dream come true ito para kay Sofia lalo na at hands-on siya sa preparasyon ng kanyang debut, mula sa photoshoot hanggang sa mismong party.
Sa kanyang panayam kasama ang 24 Oras, ibinahagi ng aktres ang kanyang labis na saya sa kanyang successful debut.
"Sobrang hindi pa rin ako maka-move on na ganun siya ka-successful. Natupad 'yung pangarap ko na debut with all the people na mahalaga sa buhay ko, mga naka-work ko, the bosses, so hanggang ngayon parang it still feels surreal," sabi niya.
Hindi pa nga natatapos ang kanyang birthday celebration, dahil muling nagdiwang si Sofia kasama naman ang kanyang fans.
"So I really treat them as parang family ko kasi like parang karamihan po sa kanila mula bata ako like nine years old po ako kasama ko na sila," pahayag niya.
Present ang mga Team Jolly at Sofianatics sa second tropical themed party ng Sparkle star. Pero mas naging special ang selebrasyon nang dumalo rin ang ka-love team ni Sofia, na si Allen Ansay.
Kuwento ng Kapuso actress, number one supporter niya talaga si Allen dahil super genuine ang aktor sa kanya.
"Talagang very vocal siya na 'I'm proud of you. Deserve mo lahat.' Sobrang very genuine rin niya," sabi ni Sofia.
Ngayon at young adult na siya, goal ni Sofia ipamalas naman ang kanyang mas matured side on and off camera.
Naging mas mindful na raw ang aktres sa kanyang mga kinikilos at nais din niyang ipakita ang bagong matured Sofia sa kanyang upcoming GMA show na Prinsesa ng City Jail.
Aniya, "May pressure kasi kailangan makita nila talaga 'yung transition, 'Ay 18 na siya, ay nag-mature na siya, dalaga na siya,' ganoon po."
Kamakailan lang, dumalo si Sofia sa story conference ng naturang programa kasama ang iba pang cast na sina Beauty Gonzales, Denise Laurel, Dominic Ochoa, Keempee de Leon, at ang kanyang other half sa AlFia, Allen Ansay.
Gaganap si Sofia bilang si Princess, isang dalaga na pinalaki ng isang guwardiya sa city jail.
Related gallery: Sofia Pablo welcomes adulthood with star-studded tropical Hawaiian-themed debut party