Showbiz News

Who is Kris Bernal's dream leading man?

By MICHELLE CALIGAN

 
Kung dati ay pinapangarap lamang ni Kris Bernal na maging leading man ang My Husband's Lover star na si Dennis Trillo, ngayon ay matutupad na ito dahil sila ang magtatambal sa pinakabagong teleserye ng GMA, ang Hiram Na Alaala. Kasama rin sa proyektong ito sina Rocco Nacino ?at Lauren Young.
 
"Dati nga kapag tinatanong ako kung sino pa ang gusto ko, siya ang binabanggit ko. Hindi ko akalain na tutuparin ng GMA, ang sweet naman nila (laughs)," pahayag ni Kris nang tanungin ng press tungkol sa bago niyang onscreen partner.
 
Nagulat nga raw ang young actress nang malaman niyang siya ang makakapareha ni Dennis sa upcoming teleserye nito. Kung hindi nga raw nagkaroon ng story conference ang naturang programa ay hindi pa rin siya maniniwala.
 
"Hindi ko pa siya na-feel hanggang wala pang nangyayaring ganito, hanggang hindi ko pa siya nakakasama, hanggang wala pang nagsasabi sa akin na galing sa kataas-taasan, sa mga boss. Tapos ngayon, nangyayari 'to. Pero kinakabahan ako kasi alam naman natin kung gaano kagaling si Dennis. Saka lahat naman siguro ng babaeng artista gusto siyang makatrabaho. Thankful ako na naging ako ang magiging [leading lady niya]."
 
Handa na ba siyang muling sumabak sa heavy drama pagkatapos pagbidahan ang Coffee Prince at Prinsesa ng Buhay Ko na may halong comedy?
 
"Nagkasunud-sunod 'yung mga soaps ko na laging fun lang, teenybopper. Ito na ngayon 'yung babalik ako sa matinding drama. At the same time, nasa tamang age na rin ko. May pagbabago na rin sa acting, so kailangan talaga mapag-aralan ko 'yun."