Showbiz News

Alessandra on Dingdong: 'Umiinit ulo ko sa kanya'

By MARY LOUISE LIGUNAS

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Naging usap-usapan ang hinagpis ni Millet nang sampalin niya ng mahigit dalawampung beses si Anthony sa Ang Dalawang Mrs. Real.
 
Maliban sa husay na ipinakita nina Maricel Soriano at Dingdong Dantes sa pagganap sa eksena, pinag-usapan ng mga manonood ang hinagpis ng isang babae nang nalaman na may kabit ang kanyang asawa.
 
Si Alessandra de Rossi, na gumaganap na best friend ng unang asawang si Millet, ay sinubukang ilagay ang kanyang sarili sa sitwasyon ng karakter ni Dingdong.
 
Sa panayam ng GMANetwork.com, inamin ni Alex na hindi niya maintindihan ang mga desisyon ni Anthony.
 
“Ewan ko kay Anthony, umiinit 'yung ulo ko sa kanya,” seryosong pag-kuwento ni Alex.
 
Para sa aktres, mahalaga ang katapatan sa isang relasyon.
 
“Aaminin ko 'yung pagkakamali ko kasi hindi ko naman maitatama 'yun sa isa pang pagkakamali gaya ng pagpapakasal sa iba,” paliwanag niya.
 
“Nagkamali na nga ako, given na 'yun. Nakabuntis na ako and all, pero hindi ko kailangan maliin pa lalo 'yung buhay ko,” dagdag ni Alex.
 
Dahil doon, may paalala si Alex para sa mga "Anthony Real" sa totoong buhay.
 
“Kapag nag-asawa ka ng iba, unang-una, linoko mo sila pareho. Pangalawa, puwede ka makulong. Pangatlo, hindi mo talaga mababalanse ang dalawang asawa, ever,” aniya.