Showbiz News

Panalong performances, aariba sa 'Marian'

By SAMANTHA PORTILLO

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Isa na namang espesyal na episode ang hatid ng Marian ngayong Sabado. Magsasama-sama sa dance floor sina LJ Reyes, Ryza Cenon at marami pang iba!
 
Abangan ang eksplosibong opening number ng Kapuso Primetime Queen. Siguradong mapapahanga na naman niya ang lahat sa kanyang engrandeng production number. Ano kayang mga kakaibang dance techniques ang ipapakita niya?
 
Magkakaroon naman ng paghaharap sa dance floor ang Hotlegs at PHD dancers. Sino ang mananaig sa kanilang pag-ariba?
 
Sasabak naman sa isang showdown si Ryza Cenon, kasama and UP Pep Squad at si LJ Reyes kasama ang Animo Squad. Sino ang mas may winning spirit?
 
Siyempre, hahataw rin sa stage sina Natalia Moon at You’re My Foreignay winner, Dasuri Choi. Siguradong liliyab ang pagsasama nila ng sexiest dancing diva na si Marian Rivera sa dance floor.
 
Abangan din kung sino ang kasama ni Julie Anne San Jose sa kanyang collaboration segment ngayong linggo!
 
Wala nang mas lulupit pa sa mga production numbers sa Marian ngayong Sabado kaya’t magsaya at maki-party na!