
Kilala si Rudy Baldwin bilang isang sikat na visionary at psychic na nagkakatotoo ang mga pangitain. Ang kaniyang mga prediksyon ay hindi lang tungkol sa mga tragic disasters, kung hindi pati na rin sa mga mangyayari sa mundo ng showbiz.
Sa pagbisita ni Ogie Diaz sa kaniyang tahanan, ikinuwento ni Rudy ang kaniyang istorya bilang sikat na bisyonaryo. Ipinaliwanag pa niya kung paano nagsimula ang kaniyang mga pangitain at mga prediksyon na ibinabahagi niya sa publiko.
Dahil marami sa kaniyang pangitan ang nagkakatotoo, marami na raw mga artista at politicians ang bumisita sa kaniya para malaman ang kanilang tadhana.
Nang tanungin ni Ogie kung may bilin o pangitain siyang nakikita sa batikang host and aktres na si Kris Aquino, may gusto raw sabihin si Rudy para dito.
Una raw, alam niyang malakas ang will ni Kris para mabuhay, lalo na raw para ito sa kaniyang mga anak.
"Kay Kris Aquino kasi dine-declare na kasi nila na mawawala siya eh. Hindi pa nila nakita na 'yung tao lumaban. Kahit na hirap na hirap siya lumalaban siya, eh. Para lang mabuhay siya eh," sabi ni Rudy.
Ang bilin naman niya para sa celebrity ay huwag mag-focus lang sa siyensiya o pagkonsulta sa mga doktor.
Aniya, "I know nagpagamot ka. I know na nag ano ka sa medisina. Why just look in one side?"
Dagdag pa niya, " 'Yung minsan pag nagkasakit tayo, 'yung epekto ng sakit natin minsan hindi 'yung doktor ang makakatulong."
Nilinaw ni Rudy na hindi lang faith healer ang tinutukoy niyang ibang makakatulong sa aktres. Nais niya na mas lumapit si Kris sa kaniya o kaya sa mga iba pang manggagamot dahil wala naman mawawala kung susubukan ng aktres magpatingin sa kanila.
"How I wish na nakita ko siya na malapit. So I can tell na ano ganito, ganito lang iyan," pahayag niya.
Paliwanag pa ni Rudy, mas magiging maayos ang makikita niyang visions kay Kris kung kasama niya ang aktres.
"Dapat galing sa kaniya para may energy, lalakas ako ulit. 'Yung sa kaniya kasi matrabaho 'yan," sabi niya.
SAMANTALA TINGNAN ANG MAG NAGING HEALTH SCARES NI KRIS AQUINO SA GALLERY SA IBABA