Showbiz News

'80s throwback with Richard Reynoso, Gino Padilla, and Lilet

By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Isang '80s throwback ang inihandog ni Regine Velasquez sa pagbisita nina Richard Reynoso, Gino Padilla at Lilet sa Sarap Diva.
 
Habang nagluluto sila ng pares-pares, nagbahagi si ?Gino Padilla ng kanyang mga achievements bilang isang '80s singer.
 
Si Gino Padilla umano ay nagkaroon ng pagkakataon para makapag-perform kasama ang isa sa mga icons sa music industry na si Tina Turner. Aniya, “It feels great dahil I was only a guy from a regular family, all of a sudden somebody gave me a big break. Of course, hindi ko makakalimutan kasi I represented the Philippines 'di ba? I was 22 years old.”
 
12 years old umano nang makagawa ng isang international softdrink commercial si Lilet. Kuwento niya, “Wala akong kamalay-malay doon. 'Yung producer ko sa first album, sabi niya sa akin 'Wait ka lang ha? Mayroon akong surprise sa ’yo.' 'Yun pala pinasa niya yung tape ko nang 'di ko alam. So nag-audition ako nang hindi ko nalalaman. Tapos biglang sinabi na lang na kumuha kayo ng passport, pumunta kayo sa ganitong lugar, aalis kayo in a couple of days. Parang kami, really?”
 
Tulad ni Regine, nagmula rin si Richard sa isang singing contest. "Pero pinalad ka, minalas ako. Talo ako nun e,” natatawang pahayag niya.
 
Dagdag niya, “'Di siguro type 'yung boses ko [kaya hindi ako nanalo].”
 
Kuwento ni Richard nakasama niya rin si Regine sa ilang mga proyekto tulad ng pelikulang Pik Pak Boom, at nakapag-perform din umano sila sa BB’s Music Room.
 
“Dati, doon nagsimula 'yung karaoke singing. Aakyat ka sa stage, walang video, kakanta ka lang,” pagtatapos ni Richard.