Showbiz News

Ashley Ortega on Ruru Madrid: 'Gusto ko mas close pa kami'

By ANN CHARMAINE AQUINO
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Bukod sa kilig na hatid nila Tom Rodriguez at Carla Abellana, mukhang may isa pang pair na nagpapakilig sa mga nanonood ng My Destiny. Kilalanin ang kilig na hatid nina Ashley Ortega at Ruru.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Ashley ang kanyang pananaw tungkol sa kanyang kapareha na si Ruru Madrid. Aniya, “One word to describe him is makulit siya, sobra! As in makulit siya kapag nasa tent kami. Siya ‘yung laging may kuwento kahit madaling araw na, siya 'yung nanggigising”.

Dagdag ni Ashley, “ilang beses ko na rin siyang nakatrabaho. Matagal ko na siyang kilala so I'm comfortable with him. I already trust Ruru. Gentleman naman siya, so ayos kami”.

At ngayon, napapabalitang close na close na daw sina Ruru at Ashley. Kaya naman ng makausap siya ng GMANetwork.com, ibinahagi niya ang mga bagay na gustong niyang mangyari sa kanilang tambalan.

“Mas makilala 'yung loveteam, gusto ko mas close pa kami. Gusto ko mas maganda 'yung chemistry namin pagdating sa screen. Sana lang lagi kaming masaya, kung may surprises siya sana ibigay niya,” natatawang kuwento niya.

Kahit marami umanong nakakapansin sa kilig na naibabahagi ng kanilang love team, hindi naman daw sila nagpapadala rito dahil sa kanilang mga priorities. “Me and Ruru are close friends. 'Di pa naman namin iniisip 'yung next level, kasi mas focused ako sa career ko right now, sa craft ko”.